Wednesday, October 12, 2016

MAIKLING KUWENTO (BAHA DULOT SA BASURA)



MAIKLING KUWENTO
(BAHA DULOT SA BASURA)
Isinulat ni: Blaine Mia Igcasama

Si Henry ay mahilig magrumi sa kapaligiran. Hindi niya iniisip na masama ang kaniyang ginagawa. Tapon doon, Tapon ditto iyan ang lagi niyang ginagawa araw-araw. Kahit na pinapagalitan nang kaniyang ina ay hindi parin siya sumusunod nito na huwag magkalat. Palibhasa’y may katulong silang laging inuutusang maglinis ng kalat sa loob at sa labas nang kanilang pamamahay. Dumating ang panahong kailangang umuwi ang kanilang kasambahay sa probinsiya at walang ibang katulong ang pumalit dito. Kaya obligado si Henry na gawin ang mg autos sa kanilang pamamahay sa loob o sa labas man. Isang umaga ipinatapon nang kaniyang ina ang sako-sakong basura sa may eskinita kung saan doon kinukuha ng mga basurero ang mga basura. Ngunit dahil sa pagiging tamad ni Henry itinapon niya ito sa likod nang kanilang bahay kung saan may ilog doon. hindi alam nang ina ni Henry ang kaniyang ginawa kaya hindi siya napagalitan nito. Isang gabi  habang si Henry ay mahimbing na natutulog, napakalakas na ulan ang humagupit sa kanilang bayan hanggang sa bumaha. Pumasok sa loob nang kanilang bahay ang tubig at
iba’t-ibang klase nang mga basura. Nagulantang ang ina ni Henry sa nangyari  siya ay nalito kung bakit may mga basurang nagkalat sa loob nang kanilang bahay kung ipinatapon niya ito. kaya pinuntahan niya ang kaniyang anak at tinanong kung saan nito itinapon ang sako-sakong basura. Sinabi ni Henry ang katotohanan na sa ilog niya itinapon ang mga basura. kaya nagalit ang kaniyang ina at sinabihan itong linisin ang basura mag isa. Napag tanto ni Henry na mali ang kaniyang ginawa  kaya sinabi niya sa sarili na hinding-hindi na niya iyon gagawin at magiging responsable na siya.

DULA-DULAAN (ANG TAGAPAGBANTAY)




DULA-DULAAN
(ANG TAGAPAGBANTAY)
Isinulat ni: John Henry Malate
Image result for kalikasan
Sa misteryong gubat ng pangasugan mayroong isang Diyos ng kagubatan na nagbabantay at siniguradong walang sino man ang puputol o anu mang gagawing masama sa mga puno.

Diyos ng kagubatan: “Hindi ko hahayaan ang sino man ang may balak na saktan ang aking mga puno lalong-lalo na ang gintong puno.”

Isang araw mayroong isang grupo ng kabataan na liligaw sa gubat.

Miyembro 1: Saan na ba tayo, hindi ko alam kung saan papuntang pauwi
Miyembro2: Ako rin eh, maghanap-hanap kaya tayo
Lahat: Sige

Nang nakita nila ang isang punong kahoy nag into ay nasilaw agad sila at naisip na kunin ito.

Miyembro 1: Oy ! Mukhang sineswerte tayo ah ! Yayaman na tayo !

Ang hindi nila alam ay mayroong tagapagbantay.

Diyos ng kagubatan: Huwag niyong kunin ang punong iyan.

Yan lamang ang nagsisilbing buhay ditto sa lahat ng mga puno.

Miyembro 1: Sino ka ba? At anong pakialam mo?!
Diyos ng Kagub atan: Ako ang Diyos ng kagubatan. Kapag pinutol at kinuha ninyo ang gintong puno ay sinisigurado kong magsisi kayo !

Pero nagmatigas ang mga bata at pinutol nila ang gintong puno, ang resulta ay nawalan lahat ng buhay ang buwan. Lumipas ang ilang buwan ang lahat ng mga hayop ay namatay at wala nang natirang pagkain na binigay ng puno at nagkaroon na ng malakas na bagyo at matinding baha at nawala ang preskong hangin na binigay nito.

Miyembro 1: Nagsisi na talaga ako sa ating  maling nagawa. Hindi pala tama na pinutol ang gintong kahoy.
Miyembro 2: Oo nga. Nang dahil sa ating pagiging sakim mas malaki ang nawala sa atin
Miyembro 3: Paano kaya, nKung magtanim tayo ng maraming puno at magtulong-tulong tayong lahat upang malutas an gating problema.
Lahat:  Oo nga no !

Habang nagkukwentuhan ang mga tao ay nagpakita ang Diyos ng kagubatan.

Diyos ng Kagubatan: Ikinagagalak kong natuto na kayo sa inyong ginwang mali. Dapat nating alagaan ang ating kalikasan dahil ito lamang ang biyayang ipinagkaloloob sa ating maykapal.

Lahat ng tao ang namuhay ng masaya ng nagkaroon ulit sila ng mga punong kahoy.
WAKAS
          

PABULA (ANG MASAMANG LOBO)



PABULA
(ANG MASAMANG LOBO)
Isinulat ni: Blaine Mia Igcasama

Si lobo ay isa sa mabangis na hayop sa kagubatan, palagi niyang tinatakot ang ibang mga hayop at pinagbabantaan ang buhay nito. Isang araw habang nagtatanim nang halaman sina kuneho at kambing ay biglang dumating si lobo. Tinakot nito sina kuneho at kambing na kakainin niya ito at ang mga halaman na kanilang tinanim ay sisirain niya. Biglang natakot si kuneho at kambing sa pagbabanta ni lobo kaya ang ginawa nila ay kinausap nila ito. “Mahal naming lobo pasensya na po pero pwede po ba sanang huwag nalang po kami at ang tanim na aming tinanim” sabi ni Kuneho. “Hindi maaari dahil kayo ang gusto ko” iyan ang sagot ni lobo at pinaslang nga niya sina kuneho at kambing pati ang mga pananim na pinaghirapan ni kambing at kuneho ay sinira niya. Isang gabi umuulan nang malakas at parang babaha na kaya nagtago si lobo sa kaniyang pamamahay at natulog. Nung dumating ang umaga nagulantang si lobo sa nangyari dahil wala nang ni isang puno, halaman o ibang hayop ang nakita niya at ang masama pa roon ay gutom na gutom  na siya. bigla niyang naalala ang ginawa niya kina kuneho, kambing at sa halaman nito kaya siya ay nalungkot dahil sa kagagawan niya siya rin pala ang mahihirapan.  

MITOLOHIYA (ANG KAKAIBANG PUNO)



MITOLOHIYA
(ANG KAKAIBANG PUNO)
Isinulat ni: Lawrence Andrew Magan

                              Sa isang lugar na matatagpuan sa kabundukan ng kalinga may matatagpuang kakaibang gubat na puno ng iba’t ibang uri ng mga hayop, bulaklak, puno, at iba pa. Pero hindi lang ito ordinaryong naninirahan sa bundok meron pala itong kakaibang kapangyarihan. Sa bundok, matatagpuan ang napakalaking puno doon na may iba’t ibang kapangyarihan. Itong puno na ito ay ang kanilang lider o pinuno. Sa lahat ng makikipag-laban sa kaniya wala talagang makakapigil o makakatalo nito dahil sa napakalakas nito. Pero pagkalipas ng ilang taon unti-unti itong nanghina dahil sa nagbago ang ihip ng hangin. Ito’y dulot ng ginagawa ng mga tao sa mundo ang pagtatapon ng basura kahit saan at ang pagiging iresponsable nila. Kaya hindi nagtagal namatay ang punong makapangyarihan. Sa nangyari ng puno may napalit silang kapareho lang ng puno nayon pero tinalo ito noon. Sa bundok may naninirahang pamilya at ang pamilyang ito ay napakayaman pero wala silang mabuting ginawa kundi ang magtapon ng basura. Kaya hindi nagdalawang isip ang bagong pinuno sa bundok na ibahin ang kinalalagyan nito at gawing pulubi. Nagulat ang mga iyon dahil unti-unting nawalan ng pera. Pero may puno na nagpakilala sa kanila at nagsabi na “ Dapat baguhin nila ang kanilang ugali at gumawa ng nakakabuti sa bundok”. Kaya hindi nagtagal ginawa nila ang sinabi ng puno nayon at bumalik ang yaman na nasa kanila noon.