Wednesday, October 12, 2016

TULA (PAGBABAGO SA MUNDO)



TULA
(PAGBABAGO SA MUNDO)

Isinulat ni: Blaine Mia Igcasama



Mga pagbabago sa mundong ating ginagalawan
Ay nakaka-apekto sa ating pangkabuhayan
Iba’t-ibang klima ang ating nararanasan
Ay may malaking epekto sa ating kalusugan

Kay laki naman nang pagbabago sa mundong ito
Makakabuti o makakasama ba ito sa ating mundo
Iba’t-ibang pangyayari an gating hinaharap
Minsa’y masasabi nating ito’y mahirap

Kung hindi niyo masasamain ang aking sinasabi
Hindi natin ito maitatangi
Nang dahil sa pagbabago ay may nangyayari
Ang mundo natin ay nag iba na nang ugali

No comments:

Post a Comment